Friday, September 4, 2015

Para ra sa inyong kaunting kaalaman si Dr. Jose Rizal (June 19,1861-December 30,1896) ay isang Pilipinong bayani at isa sa pinakatanyag na tagapagtaguyod ng pagbabago sa Pilipinas noong panahon ng pananakop ng mga Kastila. Siya ang kinilala bilang pinakamagaling na bayani at tinala bilang isa sa mga pambansang bayani ng Pilipinas ng Lupon ng mga Pambansang Bayani.

Kaya ginawa ko ang blog na ito upang makilala natin at maunawaan ng lubos kung ano ba talaga ang mga pinagdaraanan ni Jose Rizal.




Unahin nating bisitahin ang Paco Park (Paco Cemetery)

Dito inilibing ang mga labi ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal. Hindi alam ng karamihan kung saan inilibing ang ating bayani sa paniniwalang kukunin ng mga ito ang mga ibat-ibang parte ng kawatan ni Jose Rizal at gawing kwentas o bracelet sa pamamagitan nito naniniwala sila na kung ano ang kakayahan ng ating bayani ay makakamit rin nila ito.




Sunod naman ay pumunta tayo sa Rizal Park (Luneta)

Nung pumunta na kami dito makikita mo agad ang bantayog ng ating Pambansang Bayani. Ito ang nag papatunay na may ginawa si Jose Rizal na ma alamat na hanggang ngayong ang bantayog niya ay nag sisilbing ala-ala sa kanyang ginawang kabayanhan noon. Dito siya binaril ng firing squad noong December 30, 1896.





Ang sunod naming pinuntahan ay ang Intramuros Manila

Binansagan ang Intramuros na the City of Walls makikita mo naman sa mga malalaki nitong pader sa paligid. Dito mo rin matatagpuan ang paaralan na kung saan nag-aaral noon ang ating bayani pumapasok siya noon bilang isang studyante sa Ateneo De Manila. Naka pagtapos siya ng pag-aaral na may karangalan bilang isang sobresalliente o sa ibang salita napakahusay. Ang gusali noon ay naabo na dahil nasunog ito noong taong 1932.




Dumako naman tayo sa University of Santo Tomas

Sa paaralang ito dito kinuha ng ating bayani na si Jose Rizal ang kursong medisina dahil gusto niya na makapagtapos bilang isang doktor. Ginugol niya ang kanyang panahon sa pag-aaral noong taong 1877-1882. Masisilayan niyo ito sa Intramuros sa Aduana Street na pinalitan ng pangalan na ngayon ay tinatawag na A. Soriano Ave. pero dahil nga sa paglipas ng maraming taon land mark na lang ang nag sisilbing palatandaan nito.



Ang sumunod naman ay ang Cuartel De Espanya

Dito muna si Jose Rizal nanatili sa lugar na ito bago siya barilin ng firing squad sa Bagumbayan na ang pangalan ngayon ay Rizal Park o Luneta. Ngunit dahil nga sa nagdaan na mga giyera nuon ito ay nawasak at itinayuan na ng paaralan tinawag ito na  Pamantasan ng Lungsod ng Maynila itinatag ito noong taong 1950's. Kaya Historical Sign na lang ang nag sisilbing palatandaan nito.




Ang sunod naming pinuntahan ay ang Fort Santiago

Kilala ang lugar na ito dahil sa mga nag lalakihang mga pader ginawa ito upang mag silbing harang sa mga kalaban. Maraming mga tao ang dumarayo dito dahil sa kanyang pambihirang ganda at marami kang makikita na makasaysayang bakas na nangyari simula noong panahon  na may digmaan pa. Binuo ito noong taong 1571, dito mo rin makikita ang selda kung saan ikinulong ang ating bayani at ang mga bakas ng huling mga yapak niya dito sa daigdig.











Pumunta naman tayo sa Pambansang Museo

Ang ating Pambansang Museo ay isa sa may mahalagang tungkulin sa ating kasaysayan. Dahil dito nakapaloob ang mga Sining ng ating mga bayani lalo na sa ating pinaka mamahal na si Jose Rizal. Dito makikita natin ang mga obra o mga painting na may kinalaman kay Jose Rizal makikita niyo ito sa gallery 5.









Sa wakas dito na tayo sa huli naming pinuntahan sa tahanan ni Higino Francisco(Binondo)

Nung pumunta na kami dito kung saan-saang sulok na kami naka punta yun pala naligaw na kami kasi di namin alam ang iksaktong lugar. Kaya nag tanong-tanong na kami sa mga tao doon kung nasaan ang nasabing lugar. Ang lugar na ito ay teritoryo ng mga Filipino-Chinese, dito daw nanatili si Jose Rizal bago siya hatulan. Matatagpuan ito sa 525 Magdalena St. Binondo Manila at dito nakatayo ang bahay na tinuluyan ni Jose Rizal noon. Sa mapait na katotohan ito ay giniba na dahil tatayuan daw ng bagong  gusali.



Sana ang blog na ito ay makakatulong ng konti na kahit paano ay may matutunan naman ang mga tao. Ibinuwis ng ating bayani na si Dr. Jose Rizal ang kanyang buhay upang maipaglaban ang ating kalayaan. Sana nga magkaroon na ng pag babago sa ating bansa dahil simula noon hanggang ngayon nakamit man natin ang sinasabing kalayaan ngunit ang ibang Pilipino ay mistulang nakalimot na kung sino ba talaga si Jose Rizal. Kaya sabi ng ating Pambansang Bayani na ang "Kabataan ay Pag-Asa ng Bayan" kaya sa simpleng pag sulat ko nito ay sana naman nakaambag ako sa pag asang darating pa mula sa hinaharap. Yun lang po at maraming salamat.